Skip to main content
Sulong CARHRIHL logo Sulong CARHRIHL
  • Home
  • Programs
  • Resource
  • News
  • Analysis
  • About us
  • Contact us
Home

Peace Talks Ipagpatuloy, Ceasefire ngayong Kapaskuhan

Author: 
Sulong CARHRIHL
photo

Maganda ang naging simula ng taon para sa usaping pangkapayapaan sa pagitan ng Gobyerno (GPH) at National Democratic Front of the Philippines (NDFP). Noong Pebrero ay nag-uasap at nagkasundo ang dalawang panig na upuan at muling buksan ang usapang pangkapayapaan sa pagitan nila. Naging positibo ang pagtanggap ng sambayanang Pilipino sa balitang ito. Totoo ngang ang daan tungo sa tunay na payapang Pilipinas ay hindi pa tuluyang nagsasara.

Dumaan ang ilang mga buwan at nagsilabasan ang iba’t ibang pahayag mula sa magkabilang panig habang patuloy na nag-abang ang taumbayan sa susunod na pag-uusap. At ngayon ngang patapos na ang taon ay wala pa ring pag-uusap na naganap.
Sa kadahilanang ito, kami sa Sulong CARHRIHL ay muling kumakatok sa GPH at sa NDFP na buksan ang kanilang panig para sa aming mga panawagan.

• PEACETALKS, IPAGPATULOY
Patuloy naming iginigiit ang karapatan ng bawat Pilipino sa isang mapayapang bansa. Tunay at pangmatagalang kapayapaan ang unang hakbang para sa isang maunlad at masaganang bansa.

• BILATERAL CEASEFIRE
Ang aming panawagan sa pagkakaroon ng tigil putukan ay hindi lamang dahil ito’y napapanahon sa pagdiriwang ng kapaskuhan, kundi ito’y isang malaking hakbang para sa isang pangmatagalang ceasefire.

• PAGPAPATUPAD SA CARHRIHL
Ang CARHRIHL ay isang mahalagang kasunduan sa pagitan ng dalawang panig. Ito ay isang mekanismong makasisigurong sa panahon ng giyera ay napangangalagaan pa rin ang karapatang pantao ng mga combatatant at sibilyan.

• PAGBISITANG MULI SA MGA PRINSIPYO NG JASIG
Isang malaking instrumento sa usapang pangkapayapaan ang JASIG. Ang hjndi malinaw na pagpapatupad ditto ang isa sa mga dahilan sa pagkakaantala ng usapang pangkapayapaan. Kaya marapat lang na balikan muli at pag-aralan ang mga prinsipyo ng JASIG para hindi na ito maging sanhi nang anumang antala sa hinaharap.

Ang Sulong CARHRIHL ay magpapatuloy sa kanyang tungkulin na itaguyod ang usapang pangkapayapaan. Patuloy itong susuporta sa pagpapatuloy ng usapang pangkapayapaan hanggang sa tuluyang makamit ng mga Pilipino ang tunay at pangmatagalang kapayapaan.

  • ceasefire
  • peacetalks 2011

Sulong Documents

  • Philippine NAP on Women, Peace, and Security
  • RA 9851: The IHL Act
  • Anti-Torture Act of 2009

Sulong Network Gallery

photo
photo
photo
photo
photo
more

Sulong Network Video

See video
Sulong CARHRIHL: Karapatan at Kapayapaan (part 1.1)
See video
Sulong CARHRIHL: Karapatan at Kapayapaan (part 1.2)
See video
Sulong CARHRIHL: Karapatan at Kapayapaan (part 2.1)
more

Topics

CARHRIHL IHL peace meetings peace talks peacebuilding human rights women Training international humanitarian law Video calls for peace
more tags

Monthly archive

  • October 2003 (1)
  • September 2004 (1)
  • September 2005 (1)
  • February 2006 (1)
  • April 2006 (1)
  • July 2007 (1)
  • April 2009 (4)
  • December 2009 (1)
  • January 2010 (1)
  • February 2010 (2)
  • 1
  • 2
  • 3
  • next ›
  • last »

Navigation

  • Administer
    • Content management
    • Site building
    • Site configuration
    • User management
    • Help
Sulong CARHRIHL
117-C Matatag St., Central District, Diliman, Quezon City 1101
Tel +63 2 4340289
Telefax +63 2 4347623
Hotline +63 9175151670
Hotline +63 9216218999

Copyright Policy

  • Home
  • Programs
  • Resource
  • News
  • Analysis
  • About us
  • Contact us
Follow us:

facebook icon feed icon
picasa icon youtube icon